Gregorio sa Alas: Kalimutan muna ang isyu sa PNVF

CANDON CITY, Ilocos Sur, Philippines — Nais ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Patrick “Pató” Gregorio na mag-focus ang Alas Pilipinas sa kanilang kampanya sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Cup.
Huwag isipin ang gulo na nagaganap sa national federation at magkaisa muna sa pagwagayway ng bandila ng Pilipinas sa event na suportado ng Philippine Sports Commission, FIVB, Volleyball World, AVC, POC at Candon City sa pamumuno ni Mayor Eric D. Singson.
“There is a time for commercial volleyball and there is a time for the national team. Pag Alas ang pinag-uusapan, dapat lagi tayong magkakampi at sama-sama,” pahayag ni Gregorio sa naganap na ceremonial dinner sa Hotel Van Gogh II. “The best gift you can give to yourself is to wear that Philippine team uniform. It is your gift to the nation.”
Pinagpag ng Alas Pilipinas ang Kyrgyzstan, 25-9, 25-11, 25-17, noong Lunes ng hapon, napaganda nila ang karta sa 2-1 sa Pool A, Sinabi rin ni Gregorio na patuloy nilang susuportahan ang athletes.
“We want all of you to just concentrate. Kalimutan n’yo yung pulitika ng sports. Kalimutan n’yo yung pulitika ng pederasyon n’yo,” ani Gregorio.
Sisikapin ng Alas Pilipinas na maging maganda ang kanilang performance sa 12-nation meet sa kabila ng suspension ng PNVF na ipinataw ng FIVB.
“This AVC Women’s Cup is a great springboard so that we can really excel in the next two and a half years,” pahayag pa ni Gregorio.
- Latest

















