^

PSN Palaro

Trump manonood sa Game 3 ng NBA Finals

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK — Nagbabala kahapon ang Knicks sa kanilang mga fans na maagang pumunta sa Madison Square Garden para sa Game 3 ng NBA Finals bukas.

Ito ay dahil na rin sa personal na panonood ni US President Donald Trump sa ikatlong pagtutuos ng Knicks at San Antonio Spurs sa kanilang best-of-seven championship series.

Inaasahang magkakaroon ng pagsasara ng ilang kalsada patungo sa MSG bukod sa ipatutupad na mahigpit na seguridad para sa kaligtasan ni Trump.

Magkakaroon din ng istriktong ‘no-bag policy’ sa venue at isang “TSA-style screening procedures” para sa mga fans.

Si Trump ay isang longtime Knicks fan na nag­kumpirma noong Biyer­nes na manonood siya sa Game 3.

Ito ang unang NBA Finals game sa New York sapul noong 1999.

Target ng Knicks na maitala ang malaking 3-0 lead laban sa Spurs na kanilang dalawang beses tinalo sa San Antonio.

NBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with