Belen-Solomon reunion sa Capital1?
MANILA, Philippines — Kapag nagkataon ay magkakaroon ng reunion sina potential top overall pick Alyssa Solomon at Bella Belen sa Capital1 Solar Energy.
Ito ay dahil sa pagkakaroon ng Solar Spikers ng 40 percent probability para makuha ang No. 1 overall pick sa Premier Volleyball League Rookie Draft sa Hunyo 3 sa Novotel Manila Araneta City.
Inaasahang tatangha-ling No. 1 selection si Solomon, ang 6-foot-1 opposite hitter mula sa National University kung saan niya nakasama si Belen.
Nakatakdang isagawa ngayong alas-6:30 ng gabi ang PVL Draft Lottery sa TV5 Media Center sa Mandaluyong City,
Muling makakasama ng Capital1 sa lottery ang Galeries Tower at ZUS Coffee simula nang ilunsad ang draft lottery noong 2023 at ang Choco Mucho sa unang pagkakataon.
Ang Highrisers ang may hawak ng second-best odds sa 30 percent kasunod ang Thunderbelles (20 percent) at Flying Titans (10 percent).
Sa 2025 lottery ay nakuha ng Nxled ang highest odds, ngunit nahulog sa fourth overall pick kasabay ng pagdakma ng Capital1 sa top pick na si Belen.
Nauna nang nahugot ng Solar Spikers sa offseason sina dating Cignal Super Spikers stars Vanie Gandler at Erika Santos.
Samantala, sasalang ang mga aplikante sa Rookie Draft Combine sa Mayo 28 at 29 sa Gameville Ballpark sa Mandaluyong City bago ang PVL Draft.
- Latest


















