2-1 lead ibinigay ni SGA sa Thunder

SAN ANTONIO - Nagkadena si Shai Gilgeous-Alexander ng 26 points at 12 assists at bumangon ang Oklahoma City Thunder mula sa isang 15-point deficit sa first period para balikan ang Spurs, 123-108, at kunin ang 2-1 lead sa kanilang Western Conference finals series.
Nagdagdag si Jared McCain ng 24 points at may 18 markers si Jaylin Williams para sa ikalawang sunod na panalo ng Oklahoma City bagama’t hindi naglaro si Jalen Williams dahil sa left hamstring soreness.
“We just went out there and competed,” sabi ni Gilgeous-Alexander. “They obviously jumped on us early. First game in their building, their crowd behind them, they were excited to play. We just wanted to make sure we competed from that point on. We obviously didn’t give our best effort to start that game, but can’t do nothing about it. It’s behind us. All we can do is focus on the next possession, and we did that.”
Umiskor si Victor Wembanyama ng 24 points sa panig ng Spurs habang may 20 at 15 markers sina Devin Vassell at ang nagbabalik na si De’Aaron Fox, ayon sa pagkakasunod.
Ito ang ikalawang dikit na ratsada ng Thunder matapos ang double-overtime victory ng Spurs sa Game 1.
Kaagad kinuha ng San Antonio ang 15-0 abante sa pagsisimula ng laro mula kina Fox, Wembanyama at Vassell.
Binasag ni Isaiah Hartenstein ang katahimikan ng Oklahoma City mula sa kanyang runner sa 7-foot-4 na si Wembanyama.
Ang back-to-back three-pointers nina Gilgeous-Alexander at Williams ang nagbigay sa Thunder ng 35-31 bentahe na itinuloy na nila hanggang sa third period.
Samantala, target ng New York Knicks na maitayo ang malaking 3-0 bentahe sa kanilang Eastern Conference finals showdown ng Cleveland Cavaliers.
Pamamahalaan ng Cavaliers ang Game Three matapos ang 93-109 kabiguan sa Game Two sa balwarte ng Knicks.
Asam ng New York ang kanilang unang NBA Finals appearance sapul noong 1999 kung saan sila natalo sa Spurs.
- Latest



















