^

PSN Palaro

Harden, Cavs tanaw na ang East Finals

Pilipino Star Ngayon
Harden, Cavs tanaw na ang East Finals
Nag-agawan sa bola sina Cleveland Cavaliers guard Jaylon Tyson at Detroit Pistons forward Isaiah Stewart sa Game 5.
STAR / File

DETROIT — Humataw si James Harden ng playoff-best 30 points at may 21 markers si Donovan Mitchell para tulungan ang Cleveland Cavaliers na ta­lunin ang Pistons, 117-113, sa overtime at agawin ang 3-2 lead sa kanilang E­astern Conference semifinal series.

Nagdagdag si Max Strus ng 20 points tampok ang anim na three-point shots at may 19 at 16 mar­kers sina Evan Mobley at Jarrett Allen, ayon sa pagkakasunod.

Itinala ng Detroit ang isang 15-point lead sa first half at hinawakan ang 103-94 kalamangan sa huling dalawang minuto ng fourth period.

Nakabangon ang Cle­veland at nakatabla sa 103-103 mula sa dalawang free throws ni Mobley sa huling 45.2 segundo.

Isang 13-0 atake ang ginawa ng Cavaliers kasabay ng pagpapatahimik sa Pistons sa loob ng limang minuto mula sa fourth quarter hanggang sa gitna ng overtime.

Kinuha ng Cleveland ang isang seven-point lead sa 2:39 minuto galing sa three-point shot ni Mitchell.

Idinikit ni Cade Cunningham, umiskor ng 39 points, ang Detroit sa hu­ling 25 segundo mula sa kanyang jumper.

Ang dalawang free throws ni Harden ang sumelyo sa panalo ng Cavaliers na pamamahalaan ang Game 6 bukas kung saan hangad ng fourth-seeded Cavs na makasagupa ang New York Knicks sa East finals.

Kung mananalo ang top-seeded Pistons ay sila ang magho-host sa Game 7 sa Lunes.

Nag-ambag si Daniss Jenkins ng 19 points at may 13 markers si Tobias Harris.

JAMES HARDEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with