^

PSN Palaro

Lakers delikado na sa Thunder

Pilipino Star Ngayon
Lakers delikado na sa Thunder
Nagagawan sa bola sina Thunder star Shai GilgeousAlexander at Lakers guard Marcus Smart sa Game 3.
STAR/ File

LOS ANGELES — Kumamada si Shai Gilgeous-Alexander ng 23 points sa 131-108 demolisyon ng Oklahoma City Thunder sa Lakers at itayo ang 3-0 lead sa kanilang Wes­tern Conference semifinals showdown.

Umiskor si Ajay Mitchell ng 24 points at 10 assists para sa defending cham­pions habang may 18 at 16 markers sina Chet Holm­gren at Cason Wallace, ayon sa pagkakasunod.

Maaari nang walisin ng Oklahoma City ang Los Angeles sa Game 4 bukas.

Wala pang koponang nakakabangon mula sa isang 0-3 deficit at nanalo sa serye.

Matapos kunin ng La­kers ang 59-57 lead ay isang 21-6 bomba ang inihulog ng Thunder sa third quarter para agawin ang kalamangan patungo sa panalo.

Nagtala si Rui Hachimura ng 21 points sa panig ng Los Angeles na nakahugot kay LeBron James ng 19 markers, 8 assists at 6 rebounds.

Nagdagdag si Luke Kennard ng 18 points kasama ang apat na three-point shots habang may 17 markers si Austin Reaves.

Sa Cleveland, bumanat si Donovan Mitchell ng 35 points para banderahan ang Cavaliers sa 116-109 pagbawi sa Detroit Pistons at idikit sa 1-2 ang kanilang Eastern Conference semifinals series.

Nagdagdag si James Harden ng 19 points sa pag-iwas ng Cleveland na mahulog sa 0-3 butas sa serye.

Binanderahan ni Cade Cunningham ang Detroit sa kanyang triple-double na 27 points, 10 rebounds at 10 assists.

Nag-ambag si Tobias Harris ng 21 points at nagsalpak si Duncan Robinson ng 15 points para sa Pistons.

CAVALIERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with