^

PSN Palaro

UAAP crown ibabalik na ng La Salle sa Taft

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
UAAP crown ibabalik na ng La Salle sa Taft
La Salle Lady Spikers
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines — Puntirya ng De La Salle University na sikwatin ang korona pagharap nila sa defending champion National University sa Game 2 ng UAAP Season 88 wo­men’s volleyball tournament na lalaruin sa  SM Mall of  Asia Arena sa Pasay City ngayong araw.

Magsisimula ang paluan ng bola sa pagitan ng Lady Spikers at Lady Bulldogs sa alas-5 ng hapon, pero bago ang ratratan ay magkakaroon muna ng women’s awarding ce­remony sa alas-4 ng hapon.

Hindi pa nakakatikim ng kabiguan ang Taft-based squad sa 15 na laro kasama ang 14-game elimination round, at dahil nagwagi ang DLSU sa Game 1 ng kanilang best-of-three finals ay namumuro na maibalik ang korona sa kanilang bakuran.

Winalis ng La Salle ang NU, 25-23, 25-18, 25-18 noong Miyerkules matapos nilang sandalan sa opensa sina Angel Canino at Shevana Laput.

Tumikada si  Canino ng 17 points mula sa 15 kills at tig-isang block at service ace para sa last year’s runner-up, La Salle kaya asahang siya pa rin ang magiging panguna­hing armas ni head coach Ramil De Jesus.

“Wala nang ibang gagawin, basta kami, kung ano ‘yung ginawa naming pre­paration, tuloy lang. Alam naman namin na ‘yung NU hindi nababago galaw nila matalo, manalo iisa lang yung galaw, beterano ‘yung setter and ‘yung mga spi­kers nandoon naman hindi masasabing mahina even yung mga second stringers nila puwede mo gamitin malakas talaga e. So talagang maganda yung pinakita ng NU,” wika ni De Jesus.

Maliban kina Canino at Laput, huhugot din ng pu­wersa si De Jesus kina Amie Provido at Mary Shane Reterta, na nag-am­bag ng 12, 11 at 11 mar­kers, ayon sa pagkakasunod sa kanilang huling laban.

Muling sasandal sa opensa si NU mentor Regine Diego kina Arah Ella Panique, Sam Cantada at Evangeline Alinsug upang makahirit ng do-or-die Game 3.

DE LA SALLE UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with