Ajido Coleman umangat sa National Long Course swimfest

CAPAS, Tarlac, Philippines — Sinandigan ng mga beteranong sina internationalists na sina Jamesray Mishael Ajido at Fil-British swimmer na si Riannah Coleman ang kani-kanilang karanasan matapos magpalubog ng tig-dalawang gintong medalya sa pagtatapos ng National Long Course Age Group Championships noong Linggo sa New Clark City Aquatics Center.
Inangkin ng 17-anyos na si Ajido, isang multi-titled junior record holder, ang ginto sa boys’ 17 class sa 50-meter freestyle sa oras na 24.29 segundo at 100m freestyle sa 54.83, na muling nagpatunay sa kanyang husay bilang isa sa pinakamahusay na batang sprinter ng bansa.
Sa kabilang banda, hindi rin nagpahuli ang 16-anyos na si Coleman matapos magwagi sa girls’ 17 class 100m breaststroke (1:12.49) at 100m butterfly (1:06.18), hudyat ng kanyang kahandaan para sa international competitions.
Ang tatlong araw na torneo, na sinuportahan ng Philippine Sports Commission, Speedo, at MVP Sports Foundation, ay nagsilbing bahagi ng selection process para sa Philippine National Junior Team na lalahok sa iba’t ibang kompetisyon sa abroad, kabilang ang Southeast Asian Age Group Championships sa Singapore.
Pinuri ni Philippine Aquatics, Inc. president Eric Buhain ang matagumpay na pagsasagawa ng torneo at ang ipinakitang lalim ng talento ng mga batang manlalangoy.
“Malaking tagumpay ang meet na ito para sa Philippine swimming,” ani Buhain. “Hindi lang ang mga beterano ang umaangat, kundi pati ang bagong henerasyon ng swimmers. Napakagandang senyales nito para sa kinabukasan ng ating koponan.”
Nangibabaw si Ajido laban kina Matt Aaron Nerison (25.16) at Almar De Leon (25.75) sa 50m freestyle, at tinalo rin sina Gilbert Gonzalbo (59.74) at Gabriel Dimandal (1:00.99) sa 100m event.
Malaki rin ang kanyang inunlad mula sa dating oras na 55.98 segundo sa Asian Championships tatlong taon na ang nakalipas.
Samantala, dinaig ni Coleman ang mga katunggaling sina Taylor Brooke Salida (1:18.14) at Beverlyn Grace Mendoza (1:21.92) sa breaststroke, at nanaig din ito laban kina Singatala Cuevas (1:07.31) at Marta Rodriguez (1:08.94) sa butterfly.
Umagaw din din ng eksena sina Aishel Evangelista at Kyla Bulaga na nangingibabaw naman sa kani-kanilang events.
Maningning na tinapos ni Si Evangelista, mula sa Beta Swim Club, ang kanyang kampanya na may panalo sa boys’ 17 class 100m breaststroke (1:11.46), 200m backstroke (2:17.23), at 400m freestyle (4:17.42).
Ang University of Santo Tomas student ay nag-uwi ng kabuuang anim na gintong medalya, kabilang ang 1500m freestyle (17:10.99), 200m freestyle (1:58.89), at 200m breaststroke (2:33.86).
Si Bulaga naman, ang pride ng Ilocos Norte, ang naging pinakamaraming medalya sa torneo matapos magwagi ng pitong ginto.
Pinangunahan niya ang girls’ 16 class sa 400m individual medley (5:11.25) at 400m freestyle (4:39.02), bukod pa sa kanyang panalo sa 200m IM (2:28.52), 1500m freestyle (18:23.35), 200m butterfly (2:25.78), 200m breaststroke (2:43.18), at 800m freestyle (9:44.99).
Kabilang din sa mga nagningning sa torneo sina Southeast Asian Games veteran Xiandi Chua sa women’s 19-over 100m freestyle (27.02), Albert Jose Amaro sa men’s 100m freestyle (22.93) at 100m butterfly (54.29), Shinloah San Diego sa 18-year-old category, Patricia Santor sa girls’ 15 class, at Kacie Gabrielle Tionko sa girls’ 16 division.
Para sa kumpletong resulta, bisitahin ang official website at social media pages ng Philippine Aquatics, Inc.
- Latest




















