Playoff spot sinikwat ng Elasto Painters

MANILA, Philippines — Itinuloy ng Rain or Shine ang kanilang arangkada sa anim matapos ang 120-111 demolisyon sa Converge para makakuha ng playoff berth sa Season 50 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.
Iniskor ni import Jaylen Johnson ang walo sa huling siyam na puntos ng Elasto Painters sa fourth quarter para iposte ang 6-0 record.
Tumapos si Johnson na may 35 points, 21 rebounds, 3 assists at 2 blocks, habang may 21 markers si Gian Mamuyac sa gabing opisyal nang iniretiro ang jersey No. 5 ni Gabe Norwood.
“It’s always a mental collapse. It’s just relaxing when you feel you have a good lead,” ani coach Yeng Guiao. “Madalas mangyari pero nandoon pa rin iyong suwerte.”
Umiskor si Alec Stockton ng 17 points para sa FiberXers na laglag sa pang-limang dikit na kamalasan para sa 1-5 marka.
Mula sa dikitang first half ay kumawala ang Rain or Shine sa third period sa paglilista ng 78-61 abante sa Converge.
Isinara ng Elasto Painters ang third quarter bitbit ang 95-75 kalamangan patungo sa 100-77 pagbaon sa FiberXers sa pagbubukas ng fourth period.
Nakalapit naman ªang Converge sa 99-109 sa 5:05 minuto ng laro.
Kumapit ang Rain or Shine kay Johnson para sa panalo.
- Latest





















