Tatapusin na ng Junior Lady Altas

MANILA, Philippines — Tatangkain ng University of Perpetual Help System DALTA na tuluyan nang walisin ang nagdedepensang Arellano University sa Game Two ng NCAA Season 101 girls volleyball championship series sa Arellano Gym sa Pasay City.
Magtutuos ang magkaribal ngayong alas-8 ng umaga.
Pinatumba ng Junior Lady Altas ang Baby Chiefs sa Game One, 25-19, 25-11, 25-23, para sa 1-0 lead sa kanilang best-of-three titular showdown noong Huwebes.
Determinado ang Perpetual team ni coach Sandy Rieta na maibalik ang NCAA title sa Las Piñas matapos magreyna sa Season 99 noong 2024.
Muling sasandigan ni Rieta sina Sherrie Rose Acosta, Elizha Sildo, Ram Panganiban, Isabel Baser, libero Janine Espiritu at graduating setter Jasmine Monte.
Bumira sina Acosta at Sildo ng tig-14 points sa panalo nila sa Arellano sa Game One.
Inaasahang pipilitan ng Baby Chiefs ni coach Robert Javier na makatabla at makahirit ng ‘winner-take-all’ Game Three.
Isa si Catherine Chu sa mga aasahan ni Javier para sa laban ng Arellano.
- Latest


















