^

PSN Palaro

La Salle diretso sa 10

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ayaw magpa-awat ng De La Salle University sa pagharurot nang saga­saan nila ang 25-15, 25-18, 25-20 panalo kontra University of the Philippines sa UAAP Season 88 collegiate wo­men’s volleyball tournament na nilaro sa UST Quadricentennial  kahapon.

Dinomina ng last year’s runner-up Lady Spikers ang Fighting Maroons upang manatiling malinis ang karta sa 10 laro at hawakan ang solo first place sa team standings.

Pasimuno sa atake ng Taft-based squad ay si Shevana Laput na nagrehistro ng 16 points para sa koponan na dinalawahan ang UP ngayong season.

Bumakas si Angel Canino ng 15 markers kasama ang anim na digs at dalawang receptions para sa DLSU na nakasisiguro na ng playoffs para sa Final Four.

Solid din ang inilaro ni Eshana Nunag para sa La Salle, kahit dalawang puntos ang iniskor ay kinamada naman niya ang 15 excellent sets at tatlong digs habang sina Shane Reterta at Katrina del Castillo ay nagtala naman ng 9 at 8 markers, ayon sa pagkakasunod.

Samantala, nagwagi naman ang University of Sto. Tomas kontra Far Eastern University, 25-17, 25-17, 18-25, 25-17 para ilista ang 6-4 card sa ika­lawang laro.

Dahil sa panalo sumiksik ang UST sa three-way tie sa No. 3 kasama ang Adamson University at FEU.

UST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with