JP Bugaoan Spikers’ Turf Press Corps Player of the Week
MANILA, Philippines — Kinilala si JP Bugaoan ng Savouge bilang Spikers’ Turf Press Corps Player of the Week sa 2026 Spikers’ Turf Open Conference.
Sa likod ni Bugaoan ay nakabangon ang Spin Doctors mula sa dalawang sunod na kabiguan sa Criss Cross King Crunchers.
“Unang-una talaga, ‘yung guidance ng coaches namin and ‘yung senior players na lagi kaming gina-guide sa loob kung paano kami gagalaw, kung paano mag-jell kasi palapit na ang semis, kailangan naming mas intact at buo sa loob ng court,” sabi ng 6-foot-3 middle blocker.
Inihatid ni Bugaoan ang Savouge sa round-robin semifinals.
Pumalo si Bugaoan ng 10 points sa 25-8, 25-13, 25-13 pagwalis ng Spin Doctors sa 3B.
Nagtala naman ang four-time Spikers’ Turf Best Middle Blocker ng team-high 17 points sa kanilang 21-25, 20-25, 25-21, 25-14, 15-9 reverse sweep sa Alpha Insurance.
“Actually, sobrang hands down ako kay JP kasi kapag sinasabihan namin siya, talagang sumusunod siya at the same time gina-guide niya rin ang team.
Sunod na lalabanan ng Savouge ang VNS Always Bright Laticrete at AEP-Cabstars bilang preparasyon sa round-robin semis.
- Latest


















