Jumper ni Doncic nagsalba sa Lakers
LOS ANGELES - Ipinasok ni Luka Doncic ang isang 18-foot step-back, fadeaway jump shot sa huling 0.5 segundo para sa 127-125 overtime win ng Lakers laban sa Denver Nuggets.
Humakot si Doncic ng triple-double na 30 points, 13 assists at 11 rebounds habang may 32 markers si Austin Reaves para banderahan ang pang-limang sunod na pananalasa ng Los Angeles (42-25).
Nagdagdag si LeBron James ng 17 points, 6 rebounds at 5 assists.
Matapos ang basket ni Doncic ay sinupalpal naman nito ang three-point attempt ni dating teammate Tim Hardaway Jr. sa pagtunog ng final buzzer sa huling posesyon ng Denver (41-27).
Ang nine-foot floater ni Reaves sa nalalabing 1.9 segundo ng regulation period ang nag-akay sa Lakers sa overtime.
Sa iba pang laro, panalo ang Philadelphia 76ers sa Brooklyn Nets, 104-97; wagi ang Sacramento Kings sa Los Angeles Clippers, 118-109; at tinalo ng Boston Celtics ang Washington Wizards, 111-100.
- Latest
















