Ateneo nakatikim na ng panalo
MANILA, Philippines — Dinagit ng Ateneo ang University of the East, 25-19, 25-23, 25-16, para matuka sa wakas ang unang panalo sa UAAP Season 88 women’s volleyball kahapon sa MOA Arena.
Kinailangan lang ng Blue Eagles ng 75 minuto upang makulong sa hawla ang Lady Warriors at makasikwat ng magandang momentum papasok sa second round bitbit ang 1-6 kartada.
“Our team stayed aggressive, played smart, and turned our opportunities into points. We’re not the tallest team, but our blocking and defense played a key role,” ani Ateneo mentor Sergio Veloso.
Pinulutan ng Blue Eagles sa blocking department ang Lady Warriors, 9-1, tampok ang 5 galing kay Jihan Chuatico tungo sa team-high na 13 puntos.
Umayuda sa kanya si rookie Ana Hermosura na may 11 puntos habang may tig-10 puntos na ambag sina Zel Tsunashima at Donna de Leon para sa Ateneo.
Dapa ang Blue Eagles sa 5 pang ibang UAAP teams bago makatapat ang wala paring panalong Lady Warriors.
,0pa ang Ateneo buhat noon nang hambalusin ang UE sakay ng 9-puntos na panalo sa third set.
Sa ikalawang laro, bumirada ng 16 puntos si Angge Poyos upang giyahan ang UST sa 25-17, 25-18, 25-20, panalo sa pagtatapos ng unang round.
Nagdagdag ng tig-10 puntos sina Regina Jurado at Avril Bron para sa UST at tablahan ang kanilang biktima sa 4-3 karta sa tersera puwesto.
- Latest



















