Pacquiao saludo kay Eala
MANILA, Philippines — Pinuri ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang husay at galing ni Alex Eala na bitbit ang bandila ng Pilipinas sa world stage ng tennis.
Alam din ni Pacquiao ang mga kaganapan sa tennis career ni Eala at kitang-kita nito ang tapang nito na may pusong palaban.
Kaya naman hindi maitago ni Pacquiao ang pagiging proud nito sa Pinay tennis player dahil patuloy na umaangat ang Pilipinas sa international arena.
“I’m so proud of her na talagang dala-dala ‘yung flag ng Pilipinas. Kapag tinitignan ko siya, proud na proud ako sa kaniya kasi siyempre Pilipino,” pahayag ni Pacquiao.
Maraming nagtutulad kay Eala sa mga nagawa ni Pacquiao kung saan pinagkakaisa nito ang buong sambayanan sa tuwing may laban ito.
Minsan na itong itinanong kay Eala.
“Iba naman si Manny Pacquiao nasa ibang level na siya. Naaalala ko kapag may laban si Manny talagang bakasyon ‘yung mga tao hindi pumapasok. And then ‘yung pamilya nasa bahay. Sa tingin ko, medyo malayo pa ako,” ani Eala.
- Latest
























