^

PSN Palaro

Mikee Romero isang world-class athlete

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Mikee Romero isang world-class athlete
Tinanggap ni former Deputy Speaker Mikee Romero ang kanyang top polo award mula kay PSA President Francis Ochoa ng Inquirer.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sa edad na 52-anyos, halos karamihan sa mga atleta ay tapos na sa kanilang mga careers at kuntento na sa pagbabalik-alaala, ikinukuwento ang mga naging tagumpay nila sa kanilang mga apo at kaibigan.

Ngunit ibahin ninyo si dating Deputy Speaker at sports patron Mikee Romero na aktibo rin sa Philippine Air Force reservist.

Patuloy ang kanyang katawan at isipan sa pana­nabik sa mga aksyon ng kompetisyon, at bago niya ito malaman ay nasa gitna na siya ng labanan sa ilalim ng matinding sikat ng araw at katapat ang mga pinakamahuhusay na polo players sa buong mundo.

Umangat si Romero sa world polo rankings matapos sumabak sa prestigious series Gauntlet of Polo sa Wellington, Florida noong nakaraang taon.

Iginiya ni Romero ang GlobalPort-Passion For Polo sa isang semifinal finish sa C.V. Whitney Cup, isang runner-up showing sa USPA Bronze Cup at isang quarterfinal appearance sa U.S. Open Polo Championship — ang crown jewel ng American polo.

“It is unheard of and unbelievable to become a world-class athlete at this later stage of my life,” sabi ni Romero. “Especially in such a very demanding sport.”

Ang polo ay isa sa mga ikinukunsiderang ‘most physically demanding sports’ kung saan kailangan ang elite conditioning, balance, endurance at mental focus sakay ng kanilang kabayo.

Ang isang pagkakamali ay maaaring magresulta sa injury.

Si Romero ang naging unang Pinoy na nakapasok sa Top 25 ng World Polo Tour amateur rankings at nanatiling highest-ranked Southeast Asian player sa listahan.

Kaya naman binigyan siya ng special citation ng Philippine Sportswriters Association sa annual Awards Night sa Diamond Hotel.

Ang kanyang tagum­pay sa ‘highly competitive level’ ay nagpapatunay na ang kagalingan ay hindi mapi­pigilan ng edad.

Sa kanyang PSA award, inaasahang muling sisikwat ng karangalan si Romero sa sport na tinguriang “Sport of Kings.”  

MIKEE ROMERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with