Suwerte ng Celtics tinapos ng Knicks

BOSTON — Bumira si point guard Jalen Brunson ng 31 points at may 19 markers si Josh Hart para tulungan ang New York Knicks sa 111-89 pagpapabagsak sa Celtics.
Humakot si center Karl-Anthony Towns ng 11 points at 10 rebounds para sa New York (34-19) na nakahugot kay Mikal Bridges ng 14 points habang may 12 markers ang bagong hugot na si Jose Alvarado.
Umiskor si Jaylen Brown ng 26 points kasunod ang 19 makers ni Derrick White para sa Boston (34-19) na nagwakas ang five-game winning streak.
Kinuha ng Knicks ang 85-68 abante papasok sa final canto matapos maghulog ng 20-7 bomba para tapusin ang third period.
Ang 10 sunod na puntos ni Brunson ang nagbaon sa Celtics sa isang 23-point deficit sa huling apat na minuto ng laro.
Sa Minneapolis, kumamada si Kawhi Leonard ng 41 points para banderahan ang Los Angeles Clippers (25-27) sa 115-96 paglunod sa Minnesota Timberwolves (32-22).
Nag-ambag sina John Collins at Yanic Konan Niederhauser ng tig-15 markers para sa Clippers.
Naglaro ang Clippers na wala sina trade deadline acquisitions Darius Garland, nahugot sa Cleveland Cavaliers kapalit ni James Harden, at Bennedict Mathurin na nagmula sa Indiana Pacers via swap.
Sa iba pang laro, sinunog ng Miami Heat ang Washington Wizards, 132-101; at wagi ang Toronto Raptors sa Indiana Pacers, 122-104.
- Latest

















