Double kill para sa Perpetual

MANILA, Philippines — Kumana si Shaila Omipon ng team-high 18 points para gabayan ang University of Perpetual Help System DALTA sa 28-26, 25-14, 26-24 pagdaig sa Emilio Aguinaldo College sa NCAA Season 101 women’s volleyball tournament kahapon sa San Andres Gym sa Malate, Manila.
Nagdagdag si Cyrille Almeniana ng 16 markers para sa pang-limang sunod na ratsada ng Lady Altas at patuloy na banderahan ang Group A.
Waa pa ring panalo ang EAC sa limang laro.
Nakalusot ang Perpetual Help sa first set, 28-26, bago dominahin ang second frame, 25-14, sa likod nina Omipon, Almeniana at Jemalyn Menor.
Nakatabla ang EAC sa 24-24 sa third set galing sa attack error ni Omipon.
Matapos ang service error ni Cara Dayanan para sa Lady Generals ay hinataw naman ni Omipon ang game-sealing attack sa pag-eskapo ng Lady Altas.
Lumapit ang Perpetual Help sa pagduplika sa kanilang 6-0 record sa Season 100, ngunit kinapos sa pagpasok sa Final Four.
Sa men’s division, wagi rin ang Altas sa Generals, 25-16, 9-25, 23-25, 26-24, 15-11.
Tinapos ng Perpetual ang three-game winning streak ng EAC para sa magkatulad nilang 3-2 baraha sa Group A.
- Latest




















