Lady Blazers nakauna sa Season 101
MANILA, Philippines — Tinalo ng nagdedepensang College of Saint Benilde ang Mapua University, 25-21, 20-25, 25-14, 23-25, 17-15, sa pagbubukas ng NCAA Season 101 women’s volleyball tournament kahapon sa San Andres Gym sa Malate, Manila.
Humataw si star player Zam Nolasco ng 29 points mula sa 28 attacks at isang block para banderahan ang Lady Blazers laban sa Lady Cardinals sa Group A.
Pinayagan NCAA Management Committee si ZUS Coffee coach Jerry Yee na patuloy na mandohan ang St. Benilde kagaya ni Aying Esteban ng Galeries Tower para sa Mapua.
Sa Season 100 ay hindi pinayagan ng NCAA si Yee kaya umakto siya bilang assistant coach ng Lady Blazers.
Samantala, pinadapa ng Colegio de San Juan de Letran ang Arellano University, 25-10, 25-17, 25-17, para sa magandang simula sa Group B.
Pumalo si Judiel Nitura ng game-high 17 points para pangunahan ang Lady Knights, ang Season 100 finalist, na nasa ilalim ngayon ni dating champion Lady Knight Mayeth Carolino.
- Latest





















