^

PSN Palaro

Chargers nagpalakas din ng lineup

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Chargers nagpalakas din ng lineup
Akari Chargers
PVL

MANILA, Philippines — Hindi nagpahuli ang Akari Chargers na nagpa­lakas din ng lineup nang kunin nito ang tatlong key players bago magsimula ang Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference na papalo sa Enero 31.

Isiniwalat na ng pamu­nuan ng Chargers ang pagkuha kina middle b­locker Cza Carandang, outside hitter Judith Abil at opposite spiker Jyne Soreño.

Malaking tulong ang dating miyembro ng Chery Tiggo na si Carandang upang patatagin ang net defense ng tropa.

Makakatuwang ni C­arandang sa middle blocker position sina Ced Domingo at Alas Pilipinas pool member Fifi Sharma.

Dati namang bahagi si Abil ng Cignal HD Spi­kers kung saan puwede ito bilang wing spiker o libero ng tropa.

Sa kabilang banda, malalim din ang karanasan ni Soreno na dating player ng De La Salle University Lady Spikers sa UAAP.

Naglaro na ito para sa Crossovers kasama si Carandang.

Hangad ng Chargers na mapalakas pa ang tropa nito upang mas lalo pang mapaganda ang kanilang kampanya sa 2026 season.

Nakasikwat ang Akari ng tansong medalya sa nakalipas na PVL Reinforced Conference.

Samantala, humugot din ang Galeries Tower ng pitong bagong players.

Ito ay sina Erika Raagas, Cams Victoria, Lycha Ebon, Juju Angeles, Baby Love Barbon, Dolly Versoza at Erika Deloria.

Inaasahang magkakaroon pa ng rigodon lalo pa’t nagpasya ang Petro Gazz na magsumite ng leave of absence sa liga.

Ilan sa mga key pla­yers ng Gazz Angels na naging free agent ay sina MVP awardee Brooke Van Sickle at middle blocker MJ Phillips.

AKARI CHARGERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with