^

PSN Palaro

Alex Eala sesentro na sa Kooyong Classic

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Alex Eala sesentro na sa Kooyong Classic
Alex Eala
STAR/ File

MANILA, Philippines — Tututukan naman ni Alex Eala ang pagsabak nito sa Kooyong Classic na papalo sa Enero 13 hanggang 15 sa Melbourne, Australia.

Sariwa pa si Eala sa kampanya sa Auckland, New Zealand kung saan agad itong tumulak sa Melbourne para sa Kooyong event.

Hindi naman ito regular na torneo dahil isang exhibition game lamang ito.

Ngunit magandang pag­kakataon ito para sa 20-anyos Pinay netter bilang warm-up para sa kanyang kampanya sa prestihiyosong Australian Open.

Makakasama ni Eala sa exhibition sa Kooyong Classic sina dating WTA player Daniela Hantuchova, Donna Vekic ng Croatia at Priscilla Hon ng Australia.

Hindi ito ang unang paghaharap nina Eala at Vekic.

Nagtagpo ang dalawa sa first round ng ASB Classic na ginanap sa Auckland, New Zealand noong nakaraang linggo.

Nanaig si Eala sa naturang laro sa iskor na 4-6, 6-4, 6-4.

Nakaabot si Eala sa semis sa naturang torneo subalit yumuko ito kay Wang Xinyu ng China, 7-5, 5-7, 4-6.

Sa kabila ng kabiguan, uuwi si Eala na bitbit ang tumataginting na $12,331 o mahigit P700,000 premyo.

Nagpasalamat si Eala sa mga kababayan nito sa Auckland na sumuporta sa kanya kung saan tila nagkaroon ang Pinay netter ng home court advantage dahil sa pagdagsa ng Pinoy fans.

“I just want to thank e­very single one of you for your support, taking the time and effort out of your day to be there and cheer me on with the other girls,” ani Eala.

Bukod pa rito ang inaasahang pag-angat nito sa WTA rankings kung saan makukuha nito ang bagong career-high na No. 49.

Umasa si Eala na maka­babalik ito sa susunod na taon sa Auckland tournament.

“It means so much especially at this time of the year. I couldn’t thank you more and I had such a fun time playing here in Auckland and I hope I can be back next year,” ani Eala.

AUTRALIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with