Sibol hinarbat ang ika-4 dikit na MLBB SEAG gold
MANILA, Philippines — Nanatili sa trono ang Sibol men’s MLBB team matapos nilang maghari sa Southeast Asian Games na ginaganap sa Thailand.
Nagsanib puwersa sina Sanford Vinuya, Kiel Soriano, Karl Nepomuceno, Jaypee Dela Cruz, Alston Pabico at John Carlo Roma upang walisin ang Malaysia, 4-0 at sikwatin ang gold medal sa men’s Mobile Legends Bang Bang tournament na nilaro sa Chulalongkorn University Book Center, kahapon.
Malakas na sinimulan ng Sibol ang kanilang kampanya matapos itarak ang 2-0 lead sa kanilang best-of-seven series bago muling dinomina ang laban sa Game 3.
Dahil sa panalo, patuloy ang pamamayagpag ng mga Pinoy sa MLBB esports sapul nang unang silang maglaro noong 2019 edition, kinalawit nila ang pang-apat na sunod na gold medal.
“Malaki ang suporta natin (sa esports). Iyong Smart nandiyan din kasi. Expected pero sa babae may laban tayo diyan. Dito sa men’s expected,” ani Philippine Olympic Committee president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.
Samantala, nakikipaglaban naman ang Sibol women’s para sa gold medal.
- Latest



















