^

PSN Palaro

Mangin sumipa ng ginto sa SEAG taekwondo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Mangin sumipa ng ginto sa SEAG taekwondo
Tachiana Mangin.
(One Sports photo)

MANILA, Philippines — Nadagdagan na naman ang gintong medalya ng Team Philippines matapos masungkit ni taekwondo jin Tachiana Mangin ang korona sa women’s 49kg kyorugi division ng 2025 Southeast Asian Games taekwondo event na ginaganap sa Island Hall Mall sa Bangkok, Thailand.

Ito ang unag pagsalang ng 18-anyos na si Mangin sa SEA Games ngunit hindi ito nakitaan ng anumang kaba nang isa isa nitong patumbahin ang kanyang mga karibal mula sa host Thailand, Indonesia at Laos.

Sa finals, inilampaso ni Mangin si Putra Windi Dwi ng Indonesia, 2-0, para makuha ang ginto.

Matatandaang naka­siguro rin ng ginto si Ma­ngin sa World Junior Championships noong nakaraang taon— ang kauna-unahang Pinay na nakasikwat ng ginto sa world juniors.

Ang ginto ni Mangin ang ikalawang gold ng na­tional taekwondo team sa Thailand Games.

Una nang humirit ng ginto si Justin Kobe Macario sa men’s freestyle individual poomsae noong Miyerkules.

Nagkasya naman sa pilak na medalya si Clarence Sarza sa women’s -46 kg habang nakatanso naman si Olympian Kurt Barbosa sa men’s -54 kg. class.

Puntirya ng University of Santo Tomas (UST) standout na si Mangin na makahirit ng tiket sa 2028 Olympic Games na gaga­napin sa Los Angeles, California.

Pinuri ng Philippine Taekwondo Association ang mahusay na ratsada ng Pinoy jins sa biennial meet.

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with