Para athletes target ang podium finish sa Para Games
DUBAI, United Arab Emirates — Ang podium finish ang target ng mga miyembro ng Team Philippines sa 2025 Asian Youth Para Games dito.
Dalawa rito ay sina Chester Rabanal at Christian Pepito na sasalang sa para powerlifting competition para sa kanilang international debut.
Nauna nang kinatawan nina Rabanal at Pepito ang bansa sa wheelchair basketball at ngayon ay sasabak sa individual sport na susukat sa kanilang kakayahan.
Sasalang si Rabanal sa 65 kilogram division habang bubuhat si Pepito ng Malaybalay, Bukidnon sa 80kg. class.
Sa pagkakatanggal sa 5x5 wheelchair basketball at pinalitan ng 3x3 event, gagamitin ng Team Philippines ang lahat ng talento ng mga Pinoy para athletes sa bawat sport.
Ang PH 3x3 wheelchair basketball team ay ang parehong tropang naglaro sa 5x5 event na tumapos sa sixrth place sa nakaraang edisyon sa Manama, Bahrain noong 2021.
Kasalukuyan nang ginaganap ang mga labanan sa goalball, wheelchair basketball 3x3, para swimming, para badminton at boccia kung saan target ng 48-athlete delegation na suportado ng Philippine Sports Commission at ng Philippine Paralympic Committee ang malampasan ang isang gold, anim na silver at dalawang bronze medal haul sa Bahrain edition.
- Latest





















