^

PSN Palaro

Eldrew swak sa 4 finals events

Joey Villar - Pilipino Star Ngayon
Eldrew swak sa 4 finals events
Ang paglambitin ni Pinoy bet Karl Eldrew Yulo sa boy's rings event ng 3rd FIG Junior World Artistic Gymnastics Championships.
PSC photo

MANILA, Philippines —  Ipinagbunyi ng sambayanan kasama ang kanyang pamilya at kuyang si Paris Olympics double-gold winner Carlos Yulo, hindi sila binigo ni Karl Eldrew Yulo.

Umabante ang 17-an­yos na si Yulo sa finals ng individual all-around, floor exercise, vault at horizontal bar sa 3rd FIG Junior World Artistic Gymnastics Championships sa Marriott Grand Ballroom sa Pasay City.

Sumegunda si Yulo sa floor exercise sa kanyang 14.233 points, pang-lima sa vault (13.750), pang-anim sa horizontal bar (13.700) at ika-15 sa men’s all-around (78.332) kung saan 24 gymnasts ang mag-aagawan sa gold.

“Natupad iyong aking wish, but my job is still not finished. So gagalingan ko pa at give my 100 percent in all the finals I am entered,” wika ni Yulo.

Pumuwesto si Yulo sa ika-58 sa pommel horse (11.333), habang ika-27 siya sa rings (12.20).

Sasalang si Yulo sa finals ng individual all-around ngayon kasunod ang floor exercise bukas at ang vault at horizontal bar sa Lunes.

Bukod kay Carlos ay nanood din kay Yulo ang iba pa niyang mga kapatid kasama ang kanyang mga magulang sa torneong suportado ng Office of the President, PSC at Phi­lippine Amusement and Gaming Corp.

“Unang-una sa lahat nagpapasalamat ako kay Lord na binigyan niya ako ng ganitong blessing at tulad ng ginawa ng whole family ko kay kuya Caloy sa 2019 SEA Games, ngayon naman ako naman ang sinuportahan nila,” ani Yulo.

Kabilang din si Yulo sa national boy’s team na umupo sa ika-24 silya mula sa 36 lahok sa nahakot na 143.962 points.

Kasama ni Yulo sa tropa sina Batang Pinoy National Championships standouts  CJ Pernia (64.40) at Hilarion Palles III (60.831).

Nakatakdang sumabak kagabi ang girls squad na binubuo nina Elisabeth Antone, Sabina Tayag, Maxine Bondoc at Jellian Bantilan sa torneong inorganisa ng Gymnastics Association of the Philippines at may basbas ng International Gymnastics Federation.

PARIS OLYMPICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with