Boatwright binisita ang future Gilas teammates

MANILA, Philippines — Binisita ni naturalized player candidate Bennie Boatwright ang mga future teammates nito sa Gilas Pilipinas na naghahanda para sa first window ng FIBA World Cup Asia Qualifiers.
Sumalang sa ensayo ang Gilas Pilipinas sa Upper Deck gym sa Pasig City kung saan dumating sina Samahang Basketbol ng Pilipinas president Ricky Vargas at Gilas team manager program director Alfrancis Chua.
Kasama nito si Boatwright na dating import ng San Miguel Beermen sa PBA Season 48 Commissioner’s Cup.
Dumating din si Elizabeth Means na target isama sa Gilas Women bilang naturalized player.
Bukod kina Boatwright at Means, isinasalang din sa naturalization process si dating University of the Philippines Senegalese standout Malick Diouf.
Sina Boatwright at Diouf ang hahalili sa puwesto ni Justin Brownlee para sa mga susunod na laban ng Gilas Pilipinas.
Noong Miyerkules ay sumalang na sa sesyon ang mga naturalization candidates sa House of Representatives para simulan na ang proseso.
Nasa kasagsagan ng ensayo ang Gilas Pilipinas para sa away game nito kontra sa Guam sa Nobyembre 28.
Nakatakdang lumipad ang tropa sa Guam sa Nobyembre 25.
- Latest


















