^

PSN Palaro

Lady Bulldogs pokus sa korona

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Lady Bulldogs pokus sa korona
Kaya naman wala sa kukote ng Lady Bulldogs na magkumpiyansa pagharap nila sa University of Sto. Tomas sa Game 2 ng kanilang best-of-three finals bukas ng alas-3:30 ng hapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito, Cruz Manila.
SSL photo

MANILA, Philippines — Tatlong sets na panalo na lang ang kailangan ng National University at maaabot na nila ang pangarap na four-peat sa 2025 Shakey’s Super League (SSL) Preseason Unity Cup.

Kaya naman wala sa kukote ng Lady Bulldogs na magkumpiyansa pagharap nila sa University of Sto. Tomas sa Game 2 ng kanilang best-of-three finals bukas ng alas-3:30 ng hapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito, Cruz Manila.

Napahirapan ng todo ang Lady Bulldogs bago sinikwat ang panalo sa Game 1 laban sa determinadong Golden Tigresses, 15-25, 25-23, 25-17, 13-25, 15-12 sa series opener noong Nobyembre 8 sa tournament na katuwang ang Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner at R and B Milk Tea.

Nasilayan ng mga volleyball fans ang tikas ng Lady Bulldogs nang maghabol sila ng dalawang puntos, 10-12 sa deciding fifth set, humataw ng 5-0 run upang selyuhan ang panalo at mamuro sa minimithing titulo.

“Nanalo kami sa Game 1 pero di kami pwedeng mag-relax. Magpapahinga kami pero ‘yung magre-relax na talagang kampante ‘di pwede ‘yun kasi di pa naman tapos,” ani NU rookie Sam Cantada.

Tumikada si high-flying power-hitter at Alas Pilipinas U18 star Cantada ng 18 points mula sa 16 attacks at dalawang service aces kaya asahang siya pa rin ang posibleng pangunahing armas ng NU sa ligang mapapanood sa live and on demand via PusoP.com at Solar Sports.

SSL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with