Pacers bugbog sa Jazz

SALT LAKE CITY — Nagpasabog si Lauri Markkanen ng 35 points at nagdagdag si rookie Ace Bailey ng 20 points sa 152-128 dominasyon ng Utah Jazz sa Indiana Pacers.
Umiskor si Svi Mykhailiuk ng 20 points para sa Jazz (4-7) na mayroon ding 38 assists.
Tumipa si Pascal Siakam ng 27 points kasunod ang 17 markers ni Aaron Nesmith para sa Pacers (1-10) na naduplika ang kanilang 1988-89 worst start sa franchise history.
Naglaro si point guard T.J. McConnell sa unang pagkakataon matapos magkaroon ng hamstring injury at tumapos na may 12 points para sa 2025 Eastern Conference champions.
Maganda ang simula ng Indiana sa pagtatala ng 10-0 abante bago humataw ang Utah ng 38 points para kunin ang 38-34 bentahe sa first period.
Pinalobo pa ito ng Jazz sa 70-57 sa halftime at tuluyan nang ibinaon ang Pacers sa second half.
Sa iba pang laro, giniba ng Toronto Raptors ang Brooklyn Nets, 119-109; wagi ang nagdedepensang Oklahoma City Thunder sa Golden State Warriors, 126-102; dinomina ng New York Knicks ang Memphis Grizzlies; 133-120; at tinakasan ng Philadelphia 76ers ang Boston Celtics, 102-100.
- Latest


















