^

PSN Palaro

1-0 lead pag-aagawan ng NU at UST sa SSL Unity Cup Finals

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Haharapin ng ‘four-peat’ seeking National University ang palaban na University of Santo Tomas sa Game One ng 2025 Shakey’s Su­per League (SSL) Presea­son Unity Cup best-of-three championship sa Rizal Me­­morial Coliseum.

Nagtapat na sa finals ang Lady Bulldogs at Gol­­den Tigresses noong 2023 edition at muli silang magbabanatan para mag unahan sa unang panalo sa alas-4 ng hapon.

Naisagawa ang finals re­match ng NU at UST ma­tapos nilang patalsikin ang mga nakatunggali sa se­mifinals sa event na katuwang ang Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner at R and B Milk Tea.

Kahit kulang sa matin­ding armas, nagawa pa rin ng Lady Bulldogs, ang National Invitationals Davao Leg winner, na kalusin ang Far Eastern University Lady Tamaraws, 25-20, 27-25, 25-21, sa semis.

“Itong game na ito is ve­ry important for us para may madala kami paangat sa finals,” sabi ni NU winger Celine Marsh matapos ang panalo sa FEU.

Maliban kay Marsh, huhugot din ng puwersa ang Lady Bulldogs kina skipper Vange Alinsug, rookie Sam Cantada at De­nesse Daylisan na ga­ling sa national team tour of duty.

Ang iba pang sandata ni NU head coach Regine Di­ego na gagamitin ay si­na setter Lams Lamina, Chams Maaya, Alexa Ma­ta, Josline Salazar at libero Shaira Jardio.

Para sa UST, tinalo na­­man nila ang Adamson Uni­­versity, 25-22, 25-22, 25-20, sa Final Four.

LADY BULLDOGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with