Hawks tusok sa Cavaliers

CLEVELAND - Nagsalpak si Donovan Mitchell ng walong three-pointers at tumapos na may season-high 37 points sa 117-109 pagtusok ng Cavaliers sa Atlanta Hawks.
Nagbalik sa lineup ng Cleveland (4-3) si Mitchell matapos magkaroon ng hamstring tightness.
Nagdagdag si Jalen Tyson ng career-best na limang triples para sa 18 points, habang may 18 at 14 markers sina De’Andre Hunter at Evan Mobley, ayon sa pagkakasunod.
Hindi naglaro para sa Atlanta (3-4) si injured star guard Trae Young (sprained right medial collateral ligament).
Pinamunuan ni Jalen Johnson ang Hawks sa kanyang 23 points at 13 rebounds at naglista si Kristaps Porzingis ng 15 points at 12 boards.
Ang tres ni Mobley ang naglayo sa Cavaliers sa 109-100 sa huling 1:24 minuto ng fourth quarter, habang ang isa pang triple ni Tyson ang sumelyo sa kanilang panalo.
Sa iba pang laro, dinomina ng nagdedepensang Oklahoma City Thunder ang New Orleans Pelicans, 137-106, dinaig ng LA Lakers ang Miami Heat, 130-120; at sinunog ng Phoenix Suns ang San Antonio Spurs, 130-118.
- Latest



















