^

PSN Palaro

Cardinals inilaglag ng Heavy Bombers

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Cardinals inilaglag ng Heavy Bombers
The JRU Heavy Bombers celebrate after beating the Mapua Cardinals.
NCAA Philippines

MANILA, Philippines — Winakasan ng Jose Rizal University ang two-game losing skid matapos gulatin ang nagdedepensang Mapua University, 66-63,  sa crossover eliminations ng NCAA Season 101 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.

Umiskor sina Justin Lozano at Allan Laurenaria ng tig-13 points para sa 4-4 record ng Heavy Bombers sa Group B.

Nahulog ang Cardinals sa ikatlong dikit na kamalasan para sa 3-4 marka sa Group A.

Lubos na nag-alala si Jose Rizal coach Nani Epondulan nang tumama sa sahig ang ulo ni Lozana sa pagtangkang supalpalin ang tira ni Cyrus Nitura ng Mapua sa huling 2:08 minuto ng fourth quarter.

Nagkamalay naman si Lozana, ngunit kailangan pang tingnan ang kalagayan, ayon kay Epondulan.

May dalawang puntos lamang si Season 100 MVP Clint Escamis mula sa masamang 1-of-7 field goal shooting sa panig ng Cardinals.

Sa unang laro, bumira si Fil-Am Janti Miller ng 20 points sa 76-53 pagsakmal ng San Beda University sa Arellano University.

Ang ikatlong sunod na arangkada ng Red Lions ang nagtaas sa kanilang baraha sa 5-1 sa Group B, habang laglag ang Chiefs sa 3-4 karta sa Group A.

JOSE RIZAL UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with