Perpetual Altas at Junior Altas nanuwag
MANILA, Philippines — Kinapitan ng University of Perpetual Help System DALTA ang nagliliyab na opensa ni Mark Gojo Cruz upang kalusin ang San Sebastian College-Recoletos, 67-54, sa NCAA Season 101 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil EcoOil sa San Juan City.
Tumikda si Cruz ng game-high 15 points bukod sa 2 rebounds at 2 assists upang tulungan ang Altas na ilista ang 1-0 karta at saluhan sa top spot sa Group A ang defending champion Mapua Cardinals.
Maagang ipinaramdam ng Perpetual ang kanilang lakas nang harurutin agad San Sebastian sa first quarter, 22-12, at nanatili ang kanilang bentahe sa halftime, 30-19.
“Having that first win is always a welcome sight pero we have a lot of things to cover,” sabi ni ni Altas head coach Olsen Racela.
Para kay Racela, ito ay unang laro pa lamang at malayo pa ang kanilang tatahakin pero masaya siya sa ipinakitang higpit ng depensa ng kanyang mga tropa.
“This is just one win but I think I liked our defensive effort today,” dagdag ni Racela.
Bumakas din sina John Abis, John Boral at Patrick Sleat ng tig-10 markers, habang walong marka kinana ni Shawn Orgo para sa Perpetual Help.
Sunod nilang makakalaban ang Luceum of the Philippines University, bukas.
May 0-1 baraha naman ang Golden Stags.
Sa juniors division, wagi rin ang nagdedepensang Junior Altas kontra sa Staglets, 78-61.
Tumipa si Jim Corpuz ng game-high 17 points bukod sa 4 boards, 2 assists at 2 blocks para banderahan ang Junior Altas.
Nagdagdag si Loiue Rosales ng 13 markers.
- Latest























