Alas Women’s team papalag sa FIVB Worlds
MANILA, Philippines — Pagkakataon naman ng Alas Pilipinas women’s team na makipagsabayan sa matitikas na volleyball stars sa mundo sa FIVB Volleyball Women’s World Championship na idaraos sa Pilipinas sa 2029.
Matapos ang matagumpay na kampanya ng Alas men’s team sa katatapos na FIVB Men’s Volleyball World Championship, kakasa naman ang Alas women na may apat na taon pa para maghanda para sa torneo.
Pormal nang inihayag ng FIVB ang pagtatalaga nito sa Pilipinas bilang host ng women’s world meet.
Mismong si Brazilian volleyball legend Leila Barros pa ang nag-anunsiyo ng magandang balita.
Kaya naman hindi maitago ng Alas women ang saya kabilang na si national mainstay Bella Belen.
“Sobrang excited nung nalaman namin,” ani Belen.
Tinukoy pa ni Belen ang nais nitong makaharap sa FIVB Worlds.
“Gusto ko talagang makalaban yung Brazil. Si Gabi (Guimaraes) dahil talagang magagaling sila, macha-challenge talaga kami,” ani Belen.
Ganito rin ang naramdaman ni team captain at veteran playmaker Jia Morado.
“We’re so, so happy. We couldn’t believe it at first, but now it’s here. That gives us a lot of time to prepare,” ani Morado.
Umaasa si Morado na magpapatuloy ang programa para mas lalo pang mahasa ang women’s team.
- Latest

















