^

PSN Palaro

Fighting Maroons nabulaga sa Tigers

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Fighting Maroons nabulaga sa Tigers
UST kicks off the UAAP Season 88 as hosts with a grand opening ceremony Friday in Manila.
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines — Ipinaramdam agad ng University of Sto. Tomas ang kanilang bangis matapos nilang silatin ang defending champion University of the Philippines, 87-67 kahapon sa UAAP Season 88 men’s basketball tournament na nilaro sa UST Quadricentennial Pavilion.

Ipinakita ni Collins Akowe na handa na siyang makipag-sabayan sa mga tigasing players sa UAAP matapos nitong magpakitang gilas para akbayan ang Growling Tigers sa panalo at mantsahan agad ang karta ng Fighting Maroons.

Tumikada ang 6-foot-10 center, prudukto ng National University Nazareth School, ng 29 points mula sa 9-of-15 shooting sa field at 11-of-21 sa free-throw line kasama ang 17 rebounds para ilista ang 1-0 record ng España-based squad.

Magandang simula ito para sa host school UST kaya naman nakalsuhan nila ang nine-game lo­sing streak kontra UP.

Huling panalo ng UST sa UP ay noong Nobyembre 13, 2019, nang isalpak ni Renzo Subido ang clutch three-pointer para sa 68-65 panalo at sumampa sa Season 82 Finals.

Maagang nagliyab sa opensa ang Growling Tigers sa unang dalawang quarters, hinawakan nila ang 14-point lead, 57-43 sa halftime.

Sinabayan na lang ng UST ang opensa ng UP sa second half kaya naman nasungkit nila ang magaan na panalo.

Sa unang laro, walang kahirap-hirap na sinakmal ng National University ang University of the East, 72-57.

Bumida sa opensa ng Bulldogs si Jake Figueroa na nagsalpak ng 16 puntos.

NAZARETH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with