^

PSN Palaro

RHJ-less Jordan lalabanan ng Gilas sa tune-up game

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
RHJ-less Jordan lalabanan ng Gilas sa tune-up game
Rondae Hollis-Jefferson
Russel Palma

MANILA, Philippines — Magpapambuno sa isang rematch ang Gilas Pilipinas at Jordan na wala muna sa eksena ang kari­balang Justin Brownlee at Rondae Hollis-Jefferson.

Bilang bahagi ng kanilang preparasyon para sa 2025 FIBA Asia Cup ay maghaharap sa isang tune-up game ang Gilas at Jordan ngayon sa Jeddah sa Saudi Arabia subalit hindi si Hollis-Jefferson ang kanilang magiging naturalized player.

Ito ang sinabi ni Gilas coach Tim Cone bagama’t wala pang final roster ang Jordan at da­hil na rin sa com­mitment ni Hollis-Jefferson bilang resident import ng TNT Tropang 5G sa PBA sa bu­ong taon.

Kasama si Hollis-Jefferson sa unang 24-man pool ng Jordan subalit hindi siya sumali sa kanilang training camp at sa halip ay naglagi sa Pilipinas para suporta­han ang TNT sa 2025 PBA Philippine Cup Finals at para sa kanyang “RHJ on Tour” na basketball clinic.

Si Dar Tucker, ang long-time import ng koponan, ang hahalili sa naturalized player spot ng Jordan.

Wala namang nabago sa Gilas na sasandal pa rin kay Brownlee.

Matatandaang dinaig ni Brownlee si Hollis-Jefferson nang gabayan sa 70-60 panalo ang Gilas sa 2023 Asian Games para wakasan ang 61 taong pagkauhaw ng Pilipinas sa gintong medalya ng prestihiyosong continental tourney.

Aakbay kay Brownlee sina June Mar Fajardo, Cal­vin Oftana, Scottie Thompson, Dwight Ramos, CJ Perez, Chris Newsome, Carl Tamayo, Kevin Quiambao, Japeth Aguilar, Jamie Malonzo at AJ Edu.

Kontra sa Jordan ang final tune-up match ng Gilas matapos ang 103-98 panalo kontra sa Macau sa Pilipinas para maghanda sa bigating duwelo kontra sa New Zealand, Iraq at Chinese Taipei sa Group D ng Asia Cup.

Mapapalaban naman sa Group C ang Jordan ka­sama ang China, India at host na Saudi Arabia.

RONDAE HOLLIS-JEFFERSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with