^

PSN Palaro

POC, PSC parang orchestra

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
POC, PSC parang orchestra
Abraham ‘Bambol’ Tolentino.
STAR / File

MANILA, Philippines — Inihalintulad ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino sa isang orchestra ang relasyon nila ngayon ni bagong Philippine Sports Commission (PSC) chairman Patrick “Pato” Gregorio.

Ayon kay Tolentino, dapat pareho ang direk­syon ng POC at PSC para makamit ang inaasam na tagumpay sa mga lalahukang international competitions kagaya ng paparating na 33rd Southeast Asian Games.

“Basta iisa iyong tugtog namin. Lahat maganda iyong tugtog, walang sintunado,” ani Tolentino. “Iyan ang orchestra eh, Philharmonic or symphony orchestra dapat sumusunod sa kumpas ng conductor.”

Noong Martes ay nag­sagawa ang PSC ng General Assembly na dinaluhan ng mga POC at National Sports Associations (NSAs) officials kasama ang mga national athletes at coaches sa Ninoy Aquino Stadium.

Inilahad ni Gregorio ang kanyang mga plano bilang ika-13 chairman ng sports agency.

Kumpiyansa si Tolentino na magiging maganda ang relasyon niya kay Gregorio na palagian niyang nakakasama sa mga proyekto ng POC.

Pinaghahandaan ng mga atleta ang 2025 SEA Games na gagawin sa Disyembre sa Thailand.

At ngayon pa lamang ay pinasusumite na ni Gregorio kay Tolentino ang kanilang mga request gayundin sa mga NSAs.

“Advance na ang PSC, pinapa-submit na sa amin lahat ng mga requirements,” sabi ni Tolentino. “Isa-submit kaagad namin before hand.”

Sa nakaraang SEA Games sa Cambodia noong 2023 ay tumapos ang Team Philippines sa fifth place sa nahakot na 58 gold, 86 silver at 116 bronze medals.

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with