Huwag po!
Ang gipit, sa patalim, kakapit.
‘Yan ang simple explanation ni Pampanga Gov. Delta Pineda kung bakit napilitan maglaro sa ligang labas si Larry Muyang ng Phoenix.
Pinatawan ng PBA ang 29-year-old player ng indefinite suspension matapos siya maglaro sa Pampanga Giant Lanterns, ang team ni Gov. sa MPBL, kahit next month pa ang expiry ng kontrata niya sa Phoenix.
At bago dito, na-suspend na siya ng Phoenix dahil naglaro sa isang ligang labas ang 6-foot-6 na Kapampangan.
Malinaw ang violation. Kung sa pagmamaneho, beating the red light na, nag-counterflow pa.
Pero gusto umapila ni Muyang sa Phoenix at sa PBA.
Sabi kasi ni commissioner Willie Marcial, posibleng sampahan ng kaso si Muyang for breach of contract.
Kaya sinamahan siya ni Gov. nung humarap kay Kume. Nangailangan daw ng pera ang player dahil sa problema sa kanyang ama.
Pumanaw ang ama ni Muyang last year at sabi ni Gov. eh may mga pinagkakautangan si Muyang. At dahil kailangan ng pera, nagawa niyang maglaro sa mga liga na walang permiso mula sa Phoenix at PBA.
Miscommunication daw.
Kaya nagsampa ng appeal si Muyang. Malamang, ang diga eh kung tuluyan na siya bitawan ng Phoenix, ‘wag na lang siya kasuhan.
Kung kayo ang judge, ano ang hatol n’yo?
- Latest