Easy lang
Bumigay na naman si Poy Erram. Ang humarang, giba.
Pumutok na parang Mayon Volcano si Poy nu’ng Game 2 ng best-of-seven PBA Commissioner’s Cup Finals sa pagitan ng TNT at Ginebra.
Dikit ang laban sa MOA Arena at dahil nakaupo tayo sa ringside at sa tabi ng TNT bench, na-witness ko ang nangyari.
Una, sumablay si Poy sa ilalim. Sa tingin niya, may foul. Then sa next play, tinawagan siya ng foul kay Justin Brownlee. Sa tingin niya, wala.
Well, sa tingin ko din.
Natural, umalma si Poy at nag-react sa mga kantiyaw ng mga Ginebra fans. Sa sunod na deadball situation, parang nasabihan siya ni coach Chot Reyes.
Sinipa ni Poy ang water cooler sa dulo ng TNT bench at galit na dumiretso sa dugout kahit dehins pa tapos ang game.
Sa hallway, may sinipa siyang maleta at sa loob ng dressing room, ewan ko kung ano ang nangyari. Naglabas ng picture ang Spin.ph ng wasak na dingding na gawa siguro sa plywood.
Mukhang sinipa at dehins naman siguro si coach ang may kagagawan.
Ang dinig ko, sisingilin ng MOA Arena ang TNT dahil sa damage.
Eventually, bumalik sa game si Poy sa fourth quarter. Pero halos non-factor na.
In the end, olats ang TNT kaya tabla ang series papuntang Game 3 mamaya sa PhilSports Arena.
Sana, malamig na ang ulo ni Poy.
- Latest