^

PSN Palaro

Pinoy Ako

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Dehins man siya pwede bumoto sa parating na eleksyon, alam ni Justin Brownlee kung kanino siya tataya.

Anya, dun siya sa makakatulong sa Philippine sports.

Kaya ang diga ni Brownlee, full support siya sa 1PACMAN Party List ni Milka Romero, ang anak ni Cong. Mikee Romero.

Kung dehins n’yo naaalala, si Cong. Mikee, dating Deputy House Speaker at vice chairman ng Committee on Youth and Sports, ang naglatag ng panukala para sa naturalization ni Brownlee.

Nung 2018 ito isinulong ni Cong. Mikee at iba pang congressmen. Dehins naging madali dahil inabot ng halos limang taon bago formally naging Pinoy citizen si Brownlee. Tumulong din ang mga senador at ang huling pirma, of course, kay BBM.

Agad nagbunga dahil tinulungan ni Brownlee ang Gilas Pilipinas na ipanalo ang gold medal sa Asian Games after more than 60 years.

In fact, ang gusto nga ni Cong Mikee eh dagdagan pa ang pool ng naturalized players natin – ‘yung mas bata, mas magaling at mas willing.

Dehins ito nakakalimutan ni Brownlee at sa kagustuhan niya bumawi, full support siya sa 1PACMAN.

Basta para sa sports.

Asal Pinoy na si Brownlee. Tumatanaw ng utang ng loob.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->