Sotto solido ang laro sa Koshigaya
MANILA, Philippines — Matapos masuspinde ng isang laro ay mainit ang pagbabalik-aksiyon ni Kai Sotto na naglatag ng solidong laro para sa Koshigaya Alphas sa Japan B.League.
Nagrehistro ang 7-foot-3 Pinoy cager ng 20 points, 4 rebounds, 3 assists at 1 block, ngunit kapos pa rin ito para buhatin ang Alphas sa panalo.
Lumasap ang Koshigaya ng 84-92 kabiguan sa mga kamay ng Hannaryz sa larong ginanap sa Koshigaya City General Gymnasium.
“In terms of content, it was the same as yesterday. We got a little excited at the start of the game, but in the end, we lost momentum because of our turnovers and other things,” sabi ni Alphas head coach Ryuzo Anzai
Muling bumanat si Sotto ng 18 points at 10 rebounds subalit kulang pa rin ito matapos umani ang Alohas ng 80-96 pagyukod sa ikalawang laro nito kontra sa Hannaryz matapos ang 84-92 pagkatalo.
Sa dalawang laro nito ay nagtala si Sotto ng averages na 19.0 points at 7.0 rebounds.
Bagsak ang Koshigaya sa 6-18 baraha sa Eastern Conference.
“Kyoto’s substitutions and the high level of each individual’s skills were really great, and I felt that there was a big difference in experience there this weekend,” dagdag pa ni Anzai.
Mahaba na ang ibinibigay na playing time kay Sotto na may 28 minuto kada laro.
Hawak nito ang mga averages na 14.3 points, 9.8 rebounds, 2.1 assists at 1.1 blocks sa season na ito.
Sunod na makakasagupa ng Alphas ang Shiga Lakestars sa Disyembre 29 at 30.
- Latest