^

PSN Palaro

Mapua Cardinals ipinagpag ang Knights

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Mapua Cardinals ipinagpag ang Knights
Hinablot ni Chris Hubilla ng Mapua Cardinals ang rebound laban sa Letran Knights.
NCAA photo

MANILA, Philippines — Pinabagsak ng Mapua University ang Letran College, 77-62, sa kanilang ‘Battle of Intramuros’ sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Humakot si Chris Hubilla ng 18 points at 12 rebounds para itaas ang Cardinals sa 3-1 tampok ang three-game winning streak.

“Sumusunod lang ako sa sistema and nakapag-adjust na ako kasi pangatlong laro namin na sobrang gi­gil ko, parang excited ako,” ani Hubilla.

Bagsak ang Knights sa 2-2.

Kumawala ang Mapua sa second period, 34-20, patungo sa paghuhulog sa Letran sa 47-30 sa third quarter.

Lalo pang ibinaon ng Cardinals ang Knights sa 64-45 mula sa drive ni Hubilla sa huling 5:46 minuto ng final canto.

Samantala, tinakasan ng Lyce­um of the Philippines Uni­versity ang Arellano Universi­ty sa overtime, 90-86.

Umiskor sina John Bar­ba at McLaude Guada­na ng pinagsamang 11 points sa extra period para itaas sa 2-2 ang baraha ng Pirates.

Bumulusok ang Chiefs sa 0-4.

Tumapos si Barba na may 25 points, habang humugot si Guadana ng anim sa kanyang 12 markers sa extension para sa Ly­ceum.

“Itong panalo na ito ka­ilangan namin para uma­ngat ulit,” wika ni Barba. “Ginagawa ko lang ang trabaho ko every game and ‘yun ang resulta, nakuha namin ang trabaho.”

Nag-ambag si Gyle Mon­­tano ng 16 points at may 11 at 10 markers si­na Simon Penafiel at Renz Villegas, ayon sa pag­­kakasunod.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with