^

PSN Palaro

Ateneo tatapusin ang kamalasan

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Ateneo tatapusin ang kamalasan
UAAP.
STAR / File

MANILA, Philippines — Tatatangkain ng Ateneo De Manila University na ili­pad ang unang panalo kontra sa matayog ding umereng Adamson Univer­sity sa UAAP Season 87 men’s basket­ball tournament sa Smart Araneta Co­liseum.

Bokya sa panalo sa tat­long salang ang Ateneo kaya naman nasa ilalim sila ng team standings kasama ang Far Eastern University.

Magtutukaan ang Blue Eagles at Soaring Falcons ngayong alas-6:30 ng gabi pagkatapos ng labanan sa pagitan ng National University Bulldogs at University of Santo Tomas Growling Tigers sa alas-4:30 ng ha­pon.

Muling aasahan ng Blue Eagles sina Shawn Tua­no, Rookie Jared Bahay at Nigerian big man Vic­tor Balogun para ma­da­git ang inaasam na unang panalo sa season.

Puro tambak ang na­ging pagkatalo ng Ateneo sa tatlong laro, kasama na rito ang 61-74 pagluhod kontra de­fending cham­pions De La Salle Universi­ty noong Setyembre 15.

Tumikada si Tuano ng 18 points at 6 rebounds sa kanilang talo sa DLSU, ha­bang walong puntos, anim na assists at tatlong steals ang kinana ni Bahay.

Samantala, isa ito sa pinakamasagwang umpisa ng Ateneo na nalasap kaagad ang tatlong talo sa ilalim ni coach Tab Baldwin.

Noong 2013 Season 76 ay nangyari na ito sa panahon ni Bo Perasol bilang unang taong coach ng Ateneo.

Nagmula naman ang Adamson sa malaking pa­nalo kontra sa UST.

“Every game is diffe­rent, something that we rea­lized. Iyon ang prea­ching namin sa kanila, the de­fense that will be facing will be different. Huwag maging masaya sa resul­ta,” sabi ni Soaring Falcons’ coach Nash Racela sa pagsagupa nila sa Blue Eagles.

UAAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad