^

PSN Palaro

Colonia, Inan wagi ng ginto sa IWF tourney

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumuhat ng mga gintong medalya sina Angeline Colonia at Lovely Inan sa International Weightlifting Federation (IWF) World Junior Championship sa Leon, Spain.

Inangkin ni Colonia ang gold sa snatch at total lift ng women’s 45 kilogram class, habang wagi si Inan sa total lift sa women’s 49kg division.

Naglista ang 18-anyos na si Colonia ng 74kg sa snatch at 162kg sa to­tal lift para ungusan sina Khe­mika Kamnoedsri ng Thailand (160kg) at Ioana Ma­dalina Miron ng South Africa (154kg).

Sinira ni Colonia ang kanyang dating personal best na 152kg.

Kumuha rin ang 2023 Cambodia Southeast Asian Games silver meda­list ng pilak sa  clean and jerk (88kg).

Tinalo naman ni Inan si Inan si Karoll Dahyanne Lopez Alvarez sa kanyang total lift na 179kg kumpara sa 178kg ng Colombian sa women’s 49kg class.

May ginto rin si Inan sa clean and jerk (100kg) at silver sa snatch (79kg).

Sina Colonia at Inan ang inaasahang magi­ging miyembro ng tropang isa­sabak sa 2025 SEA Games sa Thailand.

IWF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with