^

PSN Palaro

Caloy pinarangalan ni Go sa Senado

Pilipino Star Ngayon
Caloy pinarangalan ni Go sa Senado
Caloy Yulo at Sen. Bong Go.

MANILA, Philippines — Pinahalagahan ni Sen. Christopher “Bong” Go ang makasaysayang dalawang gold medals na inangkin ni gymnast Carlos Edriel Yulo sa 2024 Paris Olympic Games.

Kaya naman naghain si Go ng Senate Resolution No. 1100 bilang pagbati at pagpaparangal sa 24-anyos na tubong Leveriza, Malate.

“It is with immense pride that we recognize Carlos Yulo’s remarkable achievements,” wika ng Senador. “His dedication and hard work have brought honor to our country and inspired millions.”

Hindi lamang siya ang unang Pinoy athlete na nakakuha ng double gold me­­dal sa Olympics kundi nakuha rin niya ang unang Olympic gold ng bansa sa artistic gymnastics men’s floor exercise at isinunod ang ginto sa men’s vault.

Binigyang-diin ni Go sa kanyang resolusyon ang kahalagahan ng sports sa pagpapaunlad ng self-discipline, teamwork at excellence na nakasaad sa Philippine Constitution.

Sinabi pa ni Go na ang nasabing tagumpay ni Yulo ay nagbibigay inspirasyon sa mga kabataan na isulong ang kadakilaan sa iba’t ibang larangan.

“This historic victory not only brings pride and joy to our nation but also serves as a beacon of hope and a testament to what the Filipino spirit can achieve on the world stage,” sabi ni Go.

Naniniwala rin si Go sa tsansa sa medalya ng iba pang Filipino athletes na sasabak sa kanilang mga events sa Paris Olympics.

“Mayroon pa tayong pag-asa sa ibang laban. Si Aira (Villegas), si Nesthy (Petecio), may pag-asa pa. Ensured na tayo ng bronze, so ibig sabihin, the least na po ‘yon. So marami pang laban. Ang sarap ng pakiramdam Go, go, go for gold tayo,” ani Go. (Russell Cadayona)

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with