^

Pang Movies

Kyline, nagbago na ang ugali?!

RATED A. - Aster Amoyo - Pang-masa
Kyline, nagbago na ang ugali?!
Kyline

Mukhang hindi na maikakaila ang magandang relasyon ngayon ng Kapuso young actress na si Kyline Alcantara at ang basketball player na si Kobe Paras, nakabatang kapatid ng actor na si Andre Paras. Ito ay kahit sinabi ni Kobe na friends lang sila ni Kyline nung magkasama sila sa GMA Gala.

I wonder, Salve A., kung nagkita sa nasabing okasyon sina Kyline at ex-boyfriend nitong si Mavy Legaspi na twin brother ni Cassy at mga anak ng celebrity couple na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

Speaking of Kyline, gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na nagbago na raw ito sa pakikitungo sa ibang tao maging sa mga taong malalapit sa kanya?

Jak, sanay na ‘di umeepal

Hindi ang screen loveteam na si David Licauco ang escort ng Kapuso star na si Barbie Forteza sa 2024 GMA Gala Night kundi ang kanyang real boyfriend, ang Kapuso actor na si Jak Roberto.

Isa kami sa hanga kay Jak dahil hindi ito pumapapel at nang-aagaw ng eksena sa mga panahong na kina Barbie at David ang limelight dahil sa kanilang screen team-up laluna ngayon na meron silang bagong serye sa GMA, ang family drama na Pulang Araw.

Ang maganda lamang sa fans nila ay tanggap nila na may respective real partners ang dalawa kaya happy na sila sa screen partnership nila.

Heart, consistent ang fashion

Consistent ang Kapuso singer-actress at fashion icon na si Heart Evangelista sa pangingibabaw ng kanyang kasuotan sa Kapuso gala night kung saan niya kasama ang kanyang mister, ang Senate President na si Chiz Escudero. Pero na-elevate na siya sa Hall of Fame to give way sa iba niyang mga kasamahan sa Kapuso network who look up to her dahil sa kanyang kakaibang fashion sense.

Si Heart ay ‘suki’ na ng Paris Fashion Week kung saan siya kilala ng iba’t ibang kilalang top brand owners and executives.

Ang singer-actress ay bumili na ng sariling place in Paris dahil madalas siyang bumibiyahe sa nasabing lugar in Europe.

vuukle comment

KYLINE ALCANTARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with