^

PSN Palaro

Mojdeh nagtala ng bagong Palaro records

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Mojdeh nagtala ng bagong Palaro records
Jasmine Mojdeh
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Nagparamdam na ng lakas si two-time World Ju­nior Championships  veter­an Micaela Jasmine Moj­deh ng Calabarzon Region matapos kumana ng dalawang bagong record sa 2024 Palarong Pambansa swimming competition sa Cebu City Sports Center sa Cebu City.

Ito ang huling taon ni Moj­deh sa Palaro.

Kaya naman nais nitong magkaroon ng magarbong exit nang burahin nito ang rekord sa girls secon­dary 200m butterfly event sa itinalang 2:41.75.

Mas maganda ito kum­para sa lumang rekord ni Xiandi Chua na 2:43.78 noong 2019 Palaro.

Nauna nang naglista si Mojdeh ng bagong rekord sa secondary girls 200m butterfly event hawak ang 2:19.72 para basagin ang dating markang 2:22.69 na kanya ring naisumite noong 2019 edisyon sa Davao.

“I guess when I was 12, I was very concerned with other people’s expectations and this time I just really had to let go of those expectations and really just enjoy myself,” ani Mojdeh.

Hahataw pa si Mojdeh sa apat na individual events at dalawang relays.

Patuloy ang pagwasak sa mga rekord sa Palarong Pambansa kabilang na ang bagong marka na naitala ni Charles Daniel Turla ng Western Visayas Region kahapon sa athletics.

Itinarak ni Turla ang pa­ngalan nito sa aklat ng mga re­cord breakers matapos pagharian ang elementary boys javelin throw sa ibinatong 60.26 meters.

Tinabunan ni Turla ang dating Palaro record na 57.50m.

vuukle comment

CHUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with