^

PSN Palaro

8th MVP award abot-kamay na ni JMF

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling gagawa ng kasaysayan si San Miguel Beer slotman June Mar Fajardo dahil abot-kamay na nito ang makasaysa­yang ikawalong MVP crown sa Philippine Basketball Association (PBA).

Nangunguna si Fajardo sa statistical race matapos ang Season 48 ng liga kaya’t walang duda na ma­kukuha nito ang natu­rang parangal.

Nasa unang puwesto si Fajardo sa stats tangan ang 42.1 points kung saan nagtala ito ng averages na 17.8 points, 13.4 rebounds, 2.8 assists at 1.7 blocks.

Tinulungan ni Fajardo ang Beermen na makuha ang Philippine Cup cham­pionship at runner-up trophy sa Commissioner’s Cup kung saan natalo ang SMB sa Meralco sa Finals noong Hunyo.

Galing din si Fajardo sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na ginanap sa Riga, Latvia kung saan nakapasok sa semis ang Pinoy cagers.

Kinapos lamang ang Gilas Pilipinas nang yumuko ito sa Brazil sa crossover semis para tuluyang maglaho ang Olympic dream nito na makapaglaro sa Paris Games.

Malayo naman sa ikalawang puwesto si Christian Standhardinger ng Barangay Ginebra na may nakuhang 37.8 statistical points.

Nasa ikatlong posisyon naman ang katropa ni Fajardo sa Beermen na si CJ Perez na may 37.4 points.

Si Perez ang itinanghal na PBA Commissioner’s Cup Best Player of the Conference.

Pasok naman sa ikaapat na puwesto si Arvin Tolentino ng NorthPort na may 35.9 points kasunod sa ikalima si Calvin Oftana ng Talk ’N Text na may 35.4 points.

Nangingibabaw naman si Terrafirma guard Stephen Holt sa karera sa Rookie of the Year award nang makalikom ito ng 34.1 points.

Hawak ni Holt ang averages na 17.0 points, 6.9 rebounds, 5.5 assists at 1.9 steals.

Nasa ikaanim na puwesto si Holt sa MVP race.

Pumapangalawa si Cade Flores ng NorthPort na may 23.3 points bitbit ang averages na 9.3 points at 7.2 rebounds.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
19 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with