^

PSN Palaro

Quadruple

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Four-point shot?

Yes, huwag kayo magulat. Dehins lang triple ang meron sa PBA starting next season kundi pati quadruple.

Approved ng PBA board ang gimmick sa kanilang planning session sa Japan.

Kaya sa susunod na PBA game, pwede ka manalo sa last second with one shot kahit lamang ang kalaban ng tatlo.

Iba-iba ang reaction ng fans. May natuwa, meron hindi.

Well, ginamit na ito ng PBA sa recent All-Star Games. Pero ngayon, pati sa actual games na.

Dehins ako sure ano ang reaction ng ibang liga. Gayahin kaya ito ng UAAP, NCAA, MPBL or mga foreign leagues sa Japan, Korea, Taiwan or maging sa NBA?

Kung sumikat, nauna ang PBA. Kung dehins, nauna pa din.

From 27 feet ang quadruple mula sa regular 23 feet ng triple. Steph Curry at Damian Lillard range ang tawag sa NBA.

Dito sa atin, pwede kumana sila Paul Lee or Robert Bolick or si Justin Brownlee. Ewan ko si Terrence Romeo or Calvin Oftana, ang hari ng triple sa huling All-Star Game.

Siguradong susubok ang iba especially in practice at kapag pumasok na ang mga tira, babantayan na sila oras na tumawid sila ng halfcourt.

Ewan natin. Baka 5-point shot from halfcourt ang sumunod.

Gusto mo, 10-point shot pa eh.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with