^

PSN Palaro

Ilang Pinoy bets nasa Paris Athletes Village na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Ilang Pinoy bets nasa Paris Athletes Village na
Kabilang si gymnast Levi Ruivivar na dumating na sa Paris Athletes Village.
Photo@ Levi Ruivivar fb

MANILA, Philippines — Nagsimula nang dumating ang mga Pinoy athletes sa Athletes Village ilang araw bago magsimula ang 2024 Paris Olympics sa Hulyo 26 sa France.

Kani-kanya nang post sa social media ang ilang miyembro ng Team Philippines na naka-check in na sa Athletes Village.

Nangunguna na sa listahan si world champion Carlos Edriel Yulo na isa sa mga may malaki ang tsansang makasikwat ng gintong medalya sa Paris Games.

Maliban kay Yulo, dumating na rin sa Athletes Village ang kasama nito sa gymnastics team na sina Aleah Finnegan, Levi Ruivivar at Emma Malubuyo.

Naglabas pa ng vlog si Ruivivar na kung saan kasama nito ang kanyang roomate na si Finnegan sa pag-tour sa kanilang kuwarto sa Athletes Village.

Pinatunayan din ni Rui­vivar na matibay ang mga higaan sa Athletes Village kumpara sa mga lumabas na batikos na posibleng bumigay ang mga kama na gawa sa solidong karton.

Nagawa pang talun-talunan ni Ruivivar ang kama nito para patunayan na matibay ito.

“This is actual cardboard. This is so stabe, you can run, squat. This is not falling down. Overall, its amazing. I am loving this,” ani Ruivivar.

Nasa Athletes Village na rin si Joanie Delgaco na masisilayan sa aksyon sa rowing competition sa unang araw ng bakbakan sa Hulyo 27.

Ipinakita ni Delgaco ang mga freebies na ipinami­migay sa mga atletang kalahok sa Paris Games.

“There’s a pin quest where you can collect pins. They have all these activities set up in this place called Athlete 365 which has games, events, and a way for you to connect with other athletes in the Paris Olympic Village,” ani Delgaco.

Kasama sa mga ipina­migay ang brandnew Samsung flip na may logo ng Paris Olympics.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with