^

PSN Palaro

Tatum, Brown bumida sa 18th NBA title ng Celtics

Pilipino Star Ngayon
Tatum, Brown bumida sa 18th NBA title ng Celtics
Itinaas ni Jaylen Brown ang kanyang Finals MVP trophy matapos sibakin ng Celtics ang Mavericks sa Game 5 ng NBA Finals.

BOSTON — Humakot si Jayson Tatum ng 31 points, 11 assists at 8 rebounds para banderahan ang Cel-tics sa 106-88 pagdispatsa sa Dallas Mavericks sa Game Five ng NBA Finals at pitasin ang record na ika-18 korona.

Nilampasan ng Boston ang kanilang karibal na Los Angeles Lakers sa paramihan ng titulo.

Nagdagdag si Finals MVP Jaylen Brown ng 21 points, 8 rebounds at 6 assists sa pagtitiklop ng Boston sa kanilang best-of-seven title series ng Dallas sa 4-1.

Naglaro si 7-foot-2 center Kristaps Porzingis matapos ipahinga sa Games Three at Four dahil sa left leg injury na nalasap niya sa Game Two.

Sa kanyang pagbabalik sa court ay tumapos si Por­zingis na may limang puntos sa loob ng 16 minuto.

“I mean, this is going to be a night that I will remember for the rest of my life, from the game, the celebration, these moments,” sabi ni Tatum.

“Over the last couple years, we had some tough losses at home in the playoffs. We’ve lost the NBA championship at home in front of our fans. We had a chance to beat Miami in Game 6 a few years ago and lost that one,” dagdag nito.

Nauna nang diniskaril ng Dallas ang hangad na 4-0 sweep ng Boston matapos manalo sa Game Four sa kanilang balwarte.

Kumolekta si Luka Doncic ng 28 points, 12 rebounds at 5 assists para sa Mavericks na nakahugot kay Kyrie Irving ng 15 points mula sa malamyang 5-of-16 field goal shooting.

“We said, ‘We’ll fight together next season, and we just going to believe,” ani Doncic na naglaro sa kanyang unang NBA Finals.

Ang 25-anyos na Slovenian guard ang naging unang player sa NBA history na nanguna sa liga sa points (635), rebounds (208), assists (178) at steals (41) sa isang postseason.

Nagawa niya ito kahit nagkaroon ng right knee sprain sa first round at isang thoracic contusion sa Finals opener na na­ngailangan ng pregame pain-killing injections sa kabuuan ng serye.

vuukle comment

NBA

SPORTS

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with